Naapektuhan ang dalawang players sa hindi na maiwasang banggaan ng dalawang women’s indoor volleyball league sa bansa na Shakey’s V-League (SVL) at Philippine Super Liga (PSL).

Hagip ng sanctions sina Paulina Soriano at Lilet Mabbayad dahil sa paglalaro para sa Bureau of Customs ng 13th Shakey’s V-League Reinforced Confe­rence 2016 na nagbukas nung Sabado, Okt. 2 sa PhilSports Arena

Pa-BoC sa SVL, nasa Philippine Navy Standard Insurance ng PSL ang dalawang voleybelles.

“PNSI still holds an existing agreement with PSL, disallowing players to participate in other leagues until December 31, 2016. Since Pau Soriano and Lilet Mabbayad have reported to play for V-League,  they shall be penalized with PHP50,000 each and will face 1one-year suspension from the PSL,” bulalas kahapon ng PSL.

Inalis na rin sina Soriano at Mabbayad bilang mga enlisted personnel ng Philippine Navy, ayon naman kay PN Special Service chief Col. Joseph Fe­rius Cuison.

“Sir, I am very sorry, matigas ulo noong dalawa. I gave specific instructions for them not to play. They shall be sanctioned and it’s unfortunate that Navy will have to reflect them as AWOL (Absent Without Official Leave),” text message ni Cuison.

Nanalo ang Customs laban sa University of the Philippines kung saan umiskor si Mabbayad ng 10 points na may 3 blocks at 2 service aces habang si Soriano ay may walong puntos.

Kinalungkot naman ng Shakey’s V-League ang sinapit nina  Soriano at Mabbayad matapos na sabihin na hindi nila nililimitahan ang kanilang mga manla­laro habang ang kabilang kampo ay naghayag na pinipirata ang mga napoprodyus nilang mga mahuhusay na players.