Bangka na may 10 sakay lumubog sa Mactan Island

Isang bangka na may sampung sakay ang aksidenteng lumubog kamakalawa nang madaling-araw sa karagatan ng Mactan Island, Cebu.

Pinalad namang mailigtas ang 10 lulan nito makaraang agad na rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) at naisalba ang bangka bago ito tuluyang lamunin ng alon.

Sa nakalap na report kay Nagiel Banacia, hepe ng Cebu Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), sinasabing nag-hire ng bangkang de-motor ang mga biktima na nag­layag mula Brgy. San Vicente sa Olango Island patungo sa Lapu-Lapu City.

Bandang alas-kuwatro ng madaling-araw nang palihim umanong bumiyahe ang nasabing bangka sa gitna ng masungit na panahon.

Halos 30-minuto pa lamang sila sa karagatan ay hinampas sila ng malalakas na alon dahilan upang mapuno ng tubig ang bangka at tuluyang lumubog.

Maagap lamang na naisalba ang mga biktima nang magawang makatawag sa telepono at humi­ngi ng saklolo ang mga pasahero sa kanilang mga kamag-anak.