Isang bangkay ng lalaki na pinagkasya sa garbage bag at iniwan sa bangketa ang natagpuan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precinct 6, pasado alas-siyete ng umaga nang madiskubre ng isang residente na bangkay pala ang laman ng kulay itim na garbage bag na iniwan sa bangketa sa London St., Vista Verde sa Barangay 167.

Ipinagbigay-alam ito kay Leomer Abad, officer-in-charge ng mga security guard ng Vista Verde, na siyang tumawag sa himpilan ng pulisya tungkol sa nakitang bangkay.

Puting t-shirt at maong pants ang kasuotan ng biktima at may tattoo ito na ‘Belizon’ sa kaliwang braso.