Bangkay lumutang sa ilog ng Bulacan

Palaisipan pa sa awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na mayroong sugat sa ulo at nakitang palutang-lutang sa Wawa River sa Balagtas, Bulacan kamakalawa.

Sa report kay P/Sr. Supt. Romeo Caramat, Jr., ­acting Bulacan police director, walang pagkakakilanlan ang malapit nang maagnas na biktimang nakasuot ng itim na t-shirt at short pants na tinatayang nasa 45-50 ang edad at ipinapalagay na nahulog ito sa ilog na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Patuloy ang imbestigasyon para makilala ang biktima subalit hindi isinasantabi na posibleng ito’y biktima ng summary execution.