Kasalukuyang sinisiyasat ng mga awtoridad ang pagkamatay ng isang Chinese national na natagpuan ang bangkay habang palutang-lutang sa Manila Bay Linggo ng umaga.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, alas-8:20 ng umaga nang mamataan sa Manila Bay ang bangkay ng Chinese na naka-backpack pa.

Nakilala ito sa pa­ngalang Suet Ming Ellis Chan, 55-anyos at tubong Hong Kong, sa pamamagitan ng kanyang passport na nakuha sa backpack.

Hindi pa mabatid kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito pero nagpahayag naman ng pagkatakot ang mga empleyado ng pinagdalhang Cruz Funeral sa pangambang namatay ito sa Novel Coronavirus.

Patuloy pang iniim­bestigahan ng Homicide Section ang insidente. (Juliet de Loza-­Cudia)