Bangkay ng isa pang OFW sa Kuwait inuwi

Iniuwi na sa kanyang pamilya sa Agusan del Sur ang mga labi ng isang babaeng overseas Fi­lipino worker (OFW) na nasawi matapos maaksidente sa Kuwait.

Nabatid na pumanaw matapos isugod sa isang pagamutan sa Kuwait ang biktimang si Mary Joy Tajo, 37-anyos, supervisor ng isang fast food chain sa Kuwait at tubong Esperanza, Agusan del Sur.

Nabundol si Mary Joy ng motorsiklo sa Kuwait na siyang dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon kay Arsenio Tajo, ama ng biktima, nalaman lang niya ang pagkamatay ng anak sa isa pang anak na nasa ibang bansa rin makaraang mabalitaan na nasagasaan ng motorsiklo si Mary Joy.

Nakasaad sa death certificate mula sa Ministry of Health ng Kuwait na na namatay si Mary Joy noong Disyembre 31, 2019 dahil sa traumatic injuries at pagdurugo ng katawan. (Vick Aquino)