Palaisipan ang umano’y paglaho ng bangkay ng isang lalaking naunang iniulat na namatay dahil sa panonood ng “The Conjuring 2” sa isang sinehan sa Tiruvannamalai, India.

Sa ulat ng The Times of India, nasawi ang isang 65-anyos na lalaki dahil sa pananakit ng dibdib habang nasa kasagsagan ng panonood ng nasabing horror movie.

Sinasabi sa ulat na matapos ang pananakit ng dibdib ng lalaki ay nawalan ito ng malay dahilan upang isugod ito ng kanyang mga kasama sa panonood ng pelikula sa ospital.

Isasailalim na umano sa pagsusuri ang bangkay ng namatay na lalaki nang bigla itong maglaho kasama ang kaibigan.