SA Sabado (October 8) ay isang taon nang pumanaw si Elizabeth Ramsey.
Bumalik ng bansa ang isang anak niyang si Susan Ramsey na nakabase sa Amerika.
Ngayong araw ang schedule nang pagpapa-exhume ni Susan sa labi ng kanilang ina dahil itutuloy na raw niya ang gusto ni Tita Elizabeth na ilibing sa San Carlos City, Negros Occidental.
Sabi ni Susan, doon isinilang ang kanilang ina at gusto nitong itabi sa namayapang kapatid na roon din inilibing.
Nakausap ng Umagang Kay Ganda si Susan at muling inilabas ang matagal niyang hinaing sa kapatid niyang si Jaya.
Kung naalala pa, nagkagulo pa sila noon sa burol ng kanilang ina dahil ang gusto sana ni Jaya ay i-cremate ang labi ng kanilang ina dahil wala raw silang nakuhang lupa o ano mang memorial service.
Mas maayos at mas praktikal daw iyun dahil nagkausap sila ng Mama niya bago ito pumanaw, sinabi raw kay Jaya na bahala na sila mag-decide kung ano ang gusto nilang gawin.
Pero pinagdiinan ni Susan na dapat sundin ang hiling ng kanilang ina dahil sabi raw ni Tita Elizabeth, sunog na raw siya, bakit pa siya susunugin?

Kaya hindi nasunod ang kagustuhan ni Jaya. Inilibing ang kanilang ina sa Holy Garden sa Antipolo na kung saan ipinahiram lang pala sa kanila ng isang kaibigan ang lupang iyun.
Ngayon ay gusto nang ilipat ni Susan ang labi ng kanilang ina saNegros Occidental at wala nang magagawa si Jaya dahil naayos nito ang lahat na requirements at mga papeles.
Emosyonal si Susan na nagpa-interview at inilabas ang mga hinaing niya laban kay Jaya.
Sabi pa ni Susan, “In the beginning the first time we buried Mama in the Holy Garden, she already gave up the body. Because she don’t want Mama to be buried, she want it to be cremated.
“She didn’t attend when we buried Mama. She didn’t even visit Mama in the cemetery. It’s almost a year now, and she didn’t even visit Mama.
“Even when Mama was alive, she didn’t even say Happy Mother’s Day to my mom.”
***
Nakarating kay Jaya ang balak ng kapatid at wala na raw siyang magagawa.
Halatang galit na rin ang Soul Diva sa ginagawa ng kapatid. Pero ayaw na niyang pakialaman iyun.
Ang mahalaga ay ang magandang alaalang pinagsamahan nila ng kanyang ina.
Si Jaya raw ang nag-asikaso lahat hanggang sa pumanaw ang kanilang ina. Basta dumating na lang daw si Susan ilang araw bago ang libing ng kanilang ina.
Saad pa ni Jaya, “Ang masasabi ko lang, kasalanan niya ‘yan dahil siya ang nagpalibing sa lote ng hindi namin pag-aari. And someone wants it back.
“So, siyempre kukunin mo ‘yung katawan ng nanay ko, dahil kailangan mo siyang ilipat.
“Ano ang gagawin ngayon? Gagastos ulit para ibalik sa probinsya ‘yung labi ni Mama. Eh isang taon na ang nakaraan?
“Hindi ko maintindihan ‘yung logic noon na kasi ayaw ng nanay namin na magpa-cremate. Eh siyempre, iba naman mag-isip ang Mama ko.
“Kaya I called for a meeting with my siblings, walang gusto dahil pinapatay ko na raw, buhay pa.
“‘Yun lang ‘yung akin, na kung dati pa sana na-cremate na si Mama, sana noon pa naka-rest na ‘yung katawan.
“Kasi, physical na lang ‘yan, eh. The spirit is already with God.
“So, ano ‘to? Nagkakagulo tayo dito dahil gusto mong ipalibing. Okay na ‘yung napa-cremate, we share all the ashes, we all share it. You can do whatever you want with it!”
Kaya ang mensahe na lang ni Jaya kay Susan, “I hope that she already get her peace and happiness from whatever she’s doing. Dahil sana, kung nagawa n’ya to, hindi siya gumastos ng doble-doble, triple-triple, na nag-airfare siya, kung ano ang gagawin niya.”
Suko na si Jaya sa mga ginagawa ng kapatid niya.
Kaya kung ano man daw ang gusto nitong gawin, wala na siyang magagawa pa.
“I really don’t care at this point. My mother and I already have our memories together.
“Nanalaytay sa dugo ko ‘yung dugo ng nanay ko, and at this point I really have nothing good to say about her (Susan). So, I will leave it na lang to her.
“I hope that she’s happy with her decision. Ginugulo niya ang buhay ng mga pinsan ko rito by calling them and bothering them, ang none of them even want even want to participate.
Maybe even one or two, ‘yun lang ang mga papatol dahil wala naman silang choice.
“For me, God bless my mom and I hope she’s really resting in God’s heaven. Dahil tapos na, eh.
“Tapos na ang lahat, kahit magpa-interview siya, magpa-boogie siya, magpa-telenovela siya, wala na ang nanay namin.
“I hope this is the last of it.
“Kung gusto niyang bumalik na gusto niyang mag-artista or what, gawin niya.
Huwag na siya mandamay ng ibang tao, kasi, kami ni Mama, pinaghirapan namin ‘to eh,” dagdag na pahayag ni Jaya.
DI NAMAN PALA NAG LIBING MAN LANG C JAYA NEGRA SA MUDRA NYA?KALA KO BA MAHAL NYA MAMA NYA?ANG MAHAL HANGGANG SA HULING HANTUNGAN IHAHATID YAN LALO NAT NANAY MO ANG NA MAALAM?