Bangkay ni Kobe, 8 pa hindi muna makukuha

Bangkay ni Kobe, 8 pa hindi muna makukuha

Ilang araw pa ang aabutin bago ma-recover ang mga labi nina Kobe Bryant at anak na si Gianna, at ang pitong iba pang namatay sa helicopter crash sa Calabasas, Califronia nitong Linggo ng gabi.

“Very rough ­terrain” ang binagsakan ng chopper, ayon sa deskripsiyon ni sheriff Alex Villanueva ng Los Angeles County.

Hirap nga rin marating ng emergency officials ang site. Nasa 100 yards sa magkabilang direksiyon ang debris field – ‘yung layo ng narating ng kumalat na debris.

Pumutok na ang ba­litang kasama ang mag-amang Kobe at Gianna sa mga namatay, pero hindi pa inire-release ng local authorities ang identity ng mga sakay ng helicopter.

Sinabi ni Dr. ­Jonathan Lucas, chief medical examiner ng Los Angeles County, na aabutin ng ilang araw bago ma-recover ng mga labi sa crash site.

“We will be doing our work thoroughly, quickly and with the utmost compassion,” ani Lucas. “We’re ­doing everything we can to confirm identifications and give closure to the families involved.” (Vladi Eduarte)