Kilala na ang bangkay ng lalaking isinilid sa maleta na inabandona ng mga hindi nakilalang suspek sa tapat ng Unisia Warehouse, Niog Road, Bacoor City Cavite, noong madaling-araw ng nakaraang Biyernes
Sa nakalap na impormasyon ng TONITE sa Bacoor Component Police Station, personal na nagtungo sa Mesina Funeral Homes ang mga kaanak ng biktimang si Mike Frank Raymond Rodriguez y Makiling, 34-anyos ng Lot 12 Blk 12 Dama de Noche Subd. Doña Manuela Pamplona 3 Las Piñas City.
Magugunitang may tama ng saksak sa kaliwang dibdib at sikmura, nakabalot ng garbage bag ang biktima na pinagkasya sa loob ng maleta.
Nakabalot ng packaging tape at kulay pulang towel ang mukha, pati ang mga kamay at paa nito, bukod pa sa nakapulupot na alambre sa leeg nito, at nakuhang isang plastic sachet ng shabu.