Bangkok Asian Boxfest: Gabuco umupak ng gold

Bangkok Asian Boxfest: Gabuco umupak ng gold

Pinamalas uli ni Josie Gabuco ang kalidad bilang isang dating world champion sa pagsungkit sa natatanging gold medal ng Pilipinas sa women’s light flyweight (45-48kg) sa ASBC Elite Men and Women Asian Boxing Championships sa National Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.

Mas naging agresibo’t epektibo ang mga banat ni 4-time Southeast Games gold medalist at 2012 Qin­huangdao light fly world champ Gabuco kay North Korean Hyung Mi Kim para mahaltak ang via split decision at isalba ang kampanya ng Pilipinas sa torneo.

Unang dinispatsa ng 32-anyos na Palaweña Gabuco si Alua Balkibekova ng Kazakhstan, 3-2, upang umusad sa semifinals.

Hinakbangan ng nagbabalik sa national team matapos manganak na si Gabuco si Mongoliaan Mungunsaran Balsan, 3-0, sa quarterfinals.

Nakasiguro naman ng silver si John Nobel Marvin nang magwagi sa semis men’s light heavy (81kg) kontra kay Mongolian Narmandakh Shinebayar, 3-2. (Lito Oredo)