Sinampahan ng kasong defamation o paninirang-puri ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa Manila Regional Trial Court ang central bank ng Bangladesh dahil sa matindi umanong pag-atake nito kaugnay sa $81 milyong cyber heist tatlong taon na ang nakakalipas.

Kabilang sa res­pondent ng isinampang kaso sa Manila RTC noong Marso 6 sina Bang­ladesh Bank Deputy Governor Abu Hena Mohammad Razee Hasan at iba pang opis­yal nito na nasa Maynila.

Magugunita na noong Pebrero 2016 ay nata­ngay ng mga hindi pa nakikilalang hacker ang $81 mil­yon mula sa Bang­ladesh bank account na may New York Federal Reserve at inilipat ang pera sa apat na RCBC account sa Makati City.

Si dating RCBC branch manager Maia Deguito ay nahatulan noong Enero 10 dahil sa kasong money launde­ring kaugnay sa $81 milyong cyber heist.

Iginiit ng RCBC na wala sa kanilang poder ang sinasabing pera ng Bangladesh.

Nauna rito ay idinemanda ng Bangladesh ang RCBC sa isang korte sa New York.