Bangs ibinuyangyang ang pagbubuntis

NI:Rona Ronda

Sexy mama ang eksena ni Bangs Garcia sa kanyang latest post sa Instagram. Nakasuot siya ng makulay na two-piece habang nakahawak siya sa kanyang baby bump.

Sa caption ng kanyang post, tila mas nahihirapan siya sa unang trimester ng kanyang pagbubuntis.

Aniya, “It’s this time of my life again.

“My first four months hadn’t been as smooth as my first pregnancy in 2017… So, let me begin my first #pregnantselfie this time at five months.”

Matatandaan na nitong Valentine’s day ay inanunsiyo niya sa Instagram ang kanyang second pregnancy. Hawak pa ng kanyang two-year-old daughter na si Amelia ang sonogram.