Tuloy ang bangungot ng Pilipinas sa kamay ng Korea. Ito’y matapos sumemplang ng Gilas sa tambakang sagupaan kontra mga Koreano, 86-118, sa quarterfinals ng 29th FIBA Asia Cup 2017 kahapon ng madaling-araw (Manila time) sa Nouhaw Nafwal Stadium sa Beirut, Lebanon.
Nakalsuhan ang three-game winning streak ng Philippine team kaya naman sa battle for fifth na lang sila lalaban kontra Lebanon na yumuko sa Pool A topnotcher at 2013 champion Iran, 70-80.
Humarurot muna ng tatlong sunod na panalo ang Gilas upang sikwatin ang top spot sa Pool B upang dumiretso sa Final Eight.
Nilista ng SoKor ang fourth straight win matapos ang opening setback laban sa host Lebanon, sampa sila sa semifinals kung saan makakalaban nila ang Iran.
Isa sa nagpahirap sa Gilas Pilipinas ay si Sekeun Oh na nagtala ng 22 points at limang rebounds para sa Korea habang nag-ambag si Sunhyung Kim ng 21 puntos.
Nakapagtala naman si Terrence Romeo ng 22 markers para sa Gilas Pilipinas na winalis ang Group B sa elims para mag-bye at sumampa sa quarters.
Nirehistro ni Christian Karl Standhardinger ang 17 points, may 12 si Roger Pogoy habang bumakas si Jayson Castro ng 11 markers, apat na assists at tatlong rebounds.
Naglaro ang Gilas Pilipinas sa Finals sa huling dalawang editions ng torneo, natalo sila sa Iran at China noong 2013 at 2015, ayon sa pagkakasunod.
Mga iskor:
South Korea (118) — Oh 22, Kim S. 21, Kim J. 15, Lee S. 14, Lee J. 11, Park 9, Choi 9, Heo 9, Yang 5, Jeon 3, Lim 0, Lee J 0.
Philippines (86) — Romeo 22, Standhardinger 17, Pogoy 12, Castro 11, Aguilar 7, Wright 6, Jalalon 5, Abueva 2, Fajardo 2, Almazan 2, Cruz 0, Norwood 0.
Quarterscores: 26-18, 57-49, 86-62, 118-86.