Hindi napigilan ni Senador Leila De Lima ang masambit ang katagang “Jesus Christ” kasunod ng panibagong pagdidiin sa kanya sa illegal drug trade partikular ang bank account na umano’y pinadedeposituhan sa dalawang empleyado ng Department of Justice (DOJ).
Giit ng senadora, panibagong imbento na naman ito upang pilit siyang idiin.
“Parang pinapaamin kanila na meron daw silang account na may deposit of certain millions. Parang pinapaamin din sa kanila na ako ang nagpabukas para don daw ipadaan ‘yung mga nanggaling sa drug lords, drug convicts, Jesus Christ!” sambit pa ni De Lima.
Kasama na naman umano sa psy war. “I think kasama na naman ‘yan sa psy war nila, kasama sa pinaggagawa sa akin,” dagdag pa ng senadora.
Tinawag din nitong “entire fabrication” ang sinasabing bank accounts dahil wala umano siyang inutusan na magbukas ng bank account para sa kanya para ideposito ang pera mula sa drug lords.
Paniwala ni De Lima na nagpapanik na ang mga naninira sa kanya dahil wala namang maipakita katibayan kaya’t nag-iimbento na lamang.
“Nagpa-panic na sila. They know they have nothing, so ngayon binibilisan na nila ang pag-fabricate, pag-manufacture ng mga so-called evidence. Grabe na ito,” giit pa ni De Lima.
Dahil na rin dito, may banta ng senadora na kapag hindi tinigilan ang pag-imbento ng mga walang katotohanang alegasyon ay mapipilitan siyang panagutin ang mga ito sa mga darating na panahon.
“Kung ganyan pa rin ang gagawin, then pananagutin ko sila in some future time,” banta ni De Lima.
Kasabay na rin dito ang apela niya mismo sa DOJ at National Bureau of Investigation na huwag magpagamit sa paninira laban sa kanya.
“Alam ko naman matitino kayong official. Huwag na kayong maging party to any perjury or to subordination of perjury,” ayon kay De Lima.
Ngunit giit naman ni Aquirre, hindi pinilit ang dalawang empleyado ng DOJ.
Sa isang ambush interview matapos dumalo sa budget hearing, nilinaw ng kalihim na walang pumilit sa dalawang empleyado ng DOJ sa halip boluntaryong itong ginawa.
“Walang pumilit sa kanila, voluntary,” ayon kay Aquirre.
Handa umano ang dalawang empleyado na magpasailalim sa lie detector test upang patunayan ang kanilang elegasyon.
Tinukoy ng kalihim ang isang empleyado sa pangalang Jonathan ‘Jhong’ Caranto kung saan batay umano sa ginawa nitong affidavit ay sinabing inutusan sila ni De Lima na ideposito ang milyon-milyong halaga sa bank account ni Ronnie Dayan na sinasabing bagman ng senadora at kanya ring dating driver.
“Binibigyan daw siya ng pera ni De Lima para i-deposit din sa account ni Dayan,” ayon pa kay Aquirre.
Bukod kay Caranto, isa pang nagngangalang Edna ‘Bogs’ Obuyes ang nagbigay na rin ng affidavit. Dagdag pa ni Aquirre, tuloy pa umano ang kanilang imbestigasyon partikular na ang pagbubusisi sa pagkakadawit ng senadora sa drug trade.
PUTANGINAMO DELIMA…
PUTANG INA MO RIN. MAS MASAHOL KA PA SA PUTANG NANAY MO
putanginamo
FAKE Experts naman kasi mga miyembro ng IND…
Kung ganyan style na ginamit mo sa iba…at ginamit din sayo HUWAG KANG MAG REKLAMO…kung hindi ka naging parehas nuong panahon mo…at ginamit din laban sayo…HUWAG KANG MAG REKLAMO…HINDI LAHAT NG ORAS AY NASA IBABAW KA MINSAN NASA ILALIM PARANG SCANDAL YAN…ALAM MO YAN..
Deny, paninira, kasinungalingan, harassment…mga katagang laging binabanggit ng mga inaakusahan. Anong pinagkaiba nitong bruhaang ito sa mga ibang kriminal?
yung ibang kriminal kinakasuhan o napapatay. Si De Lima di makasuhan kasi yung mga ebidensya nila puro pam presscon lang. Magsabunutan na lang sila kaya! Baka naman may ebidensya ka kay De Lima, pwede ka na ring testigo!
Di dapat isali si Bato sa sabunutan.
reverse psycho naman gamit ni de lima…hahaha tanggi ng tanggi