Bank Drive sa Ortigas binuksan sa motorista

Bank Drive Ortigas

Inanunsiyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bukas na sa mga pribadong motorista ang Bank Drive sa Ortigas Center na inaasa­hang makatutulong sa pagluwag ng trapiko sa mataong commercial district ng Pasig City.

Ayon sa MMDA ­Traffic Engineering Center (TEC), ang mga sasak­yan na dumaraan sa EDSA-Northbound patungong Ortigas area ay maaari nang kumanan sa Bank Drive [kalye sa pagitan ng Asian Development Bank (ADB) at SM Megamall] mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga araw-araw.

Nabatid, na dati ang mga motorista ay nakakaraan lamang patungong Ortigas area sa Guadix Drive, na kadalasan, nagkakaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil sa mga sasakyang papasok ng ADB Compound na dumaraan sa inspection at umaabot hanggang EDSA-northbound.

Bago ito ipinatupad, base sa “comparative analysis based on simulation” ng TEC, na nabawasan ang oras ng biyahe ng mga moto­rista na bumabagtas sa EDSA-Northbound Service Road sa Ortigas Ave­nue, mula Megamall hanggang Meralco Ave­nue ng 19 na porsiyento. ­(Armida Rico)