Nakipag-agawan naman si PO3 Pastor kay Delizalde at sa gitna ng pag-aagawan, pumutok ang baril at tumama sa noo ng suspek ang bala.

Kaagad namang isinugod ng mga pulis sa Mother and Child Hospital sa ­Numencia Street, San Nicolas na malapit lamang sa ­Muelle dela Industria si Delizalde subalit idine­klara na siyang patay ng mga doktor pagsapit sa emergency room.

Ayon kay De Ocampo, bago pa lamang ­ilabas ng piitan si Delizalde patungo sa kanilang barangay, naging maligalig na ang suspek sa loob ng kanyang selda at ayon sa kanyang mga kasamahang inmates, nagpahiwatig na nang pamamaalam kaya’t posibleng may plano na siyang mang-agaw ng baril.

Dahil sa ­pangyayari, maaaring masabi na mabilis na nabigyan ng hustisya ang karumal-dumal na pagpaslang na ginawa ni Delizalde sa mag-ina at sa kanilang kasambahay subalit kung tutuusin, hindi rin sapat ang kanyang sinapit na kamatayan dahil hindi na rin maibabalik pang muli ang buhay ng kanyang mga kinuha sa marahas na pamamaraan.

Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang ‘yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.