Pasok sa semifinals ang Banko Perlas matapos nilang paluhurin ang Pocari Sweat 27-25, 19-25, 25-16, 25-20 kahapon sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Nagpakitang gilas si Amanda Villanueva matapos pamunuan ang opensa ng Perlas Spikers. nagtala ng 22 points mula sa 17 kills, tatlong service aces at dalawang blocks.

May dalawang laro pa ang Perlas sa 14-game elimination round pero nakatitiyak na sila sa final four matapos ilista ang 9-3 card.

Naudlot ang pagsampa ng Perlas Spikers sa semis nang talunin sila ng PetroGazz noong Linggo.

Nagkumahog sa first set ang Perlas Spikers pero nagawa pa rin nilang makabangon mula sa pagkakalubog.