BANTA KAY DU30 DESPERADO NA!

Rodrigo Duterte

Inilarawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na desperadong pahayag ang pagbabanta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, magpapatupad ang Presidential Security Group (PSG) ng security adjustment at assessment para masiguro ang seguridad ng Pangulo sa gitna ng banta ng BIFF.

“That pronouncement­ of the BIFF is a despe­rate pronouncement ano, because what happened in Pigcawayan recently­ was a theoretic retalia­tion of… and somehow a diversionary attack resulting from the setbacks, major setbacks they have been experiencing in their stronghold in Maguindanao, specifically the SPMS box, because our forces­ there have also intensified operations against the BIFF,” paliwanag ni Gen. Gilbert Gapay, de­puty commande­r ng Eastern Mindanao Command sa Mindanao Hour briefing sa Davao ­kahapon.

Magugunitang iniha­yag ng BIFF na matapos ang pag-atake sa Pig­cawayan, North Cotabato ay isusunod nilang target ay si Pangulong Duterte.

Isinulat ng BIFF sa isang blackboard ang banta kay Duterte na nagsasaad na:

“Shot (shoot) to kill ka namin Du30. Kahit saan humingi ng tulong si Du30 hindi niya kami kayang ubusin… Mag-ingat ka isusunod na ­namin ang Davao City.”

Sinabi ni Gapay na ang adjustment sa security na gagawin ng PSG ay nakadepende sa bawat lugar na pupuntahan ng Pangulo.

“Every engagement is a different one so it ­depends on the area of engagements. So they have to make adjustments if it’s in Luzon, Visayas or Mindanao, and based on the level of threat. So not all engagements have the same level of security preparation,” dagdag nito.

Pero kung Presidential Spokesman Ernesto Abella ang tatanungin, hindi­ ito nababahala sa banta ng BIFF kay Pangulong Duterte dahil wala aniyang ground support ang naturang grupo partikular sa Muslim community.

“The fact that there’s actually no ground support for them. The local Muslim community, the Maranaos especially, do not want this. And for whatever reason that they are dealing with this, whether it is personal interest or what, there is no ground support for them,” paliwanag ni Abella.

Samantala, sinabi rin ni Gapay na malinaw na ang pag-atake ng BIFF sa Pigcawayan ay diversionary o retaliatory ­attack at walang kinalaman sa Marawi crisis.

“As far as tactical ­alliance is concerned, that is very possible. And we have seen that in some operations wherein BIFF fighters are sending information not just to Maute but other local terrorist group in the country,” ­pahayag pa ni Gapay.

Paliwanag pa ng opis­yal na ang Maute at BIFF ay kapwa nangako ng ­katapatan sa Islamic­ State in Iraq and Syria (ISIS) noong 2015.

“So I think there’s the connection in the link, ­between the two groups,” ani Gapay.