NI: RONA RONDA
Hindi na nakapagpigil ang ilang celebrities matapos ang naging press briefing ni Pangulong Duterte nitong Miyerkules, April 1. Naging masakit sa pandinig ng ilang artista ang statement ni Duterte na “Shoot them dead”.
Reaksyon ni Alessandra de Rossi na kinaaliwan ng ilang netizen sa Twitter, “Bat umabot na naman sa patayan? Di ba pwedeng batuhin nalang ng pancit canton, ganyan?”
Nagpahayag rin ng opinyon ang modelong si Kelsey Meritt. Aniya, “It’s so sad how the Filipinos are being treated by the government. We need more compassion. The people are not the enemy, the virus is.”
Kinumpara naman ng aktor na si Makoy Morales ang nangyayari sa isang sitwasyon. Kuwento niya, “Alam niyo yung tito niyong lasing na sisiga-siga sa inuman? Yung puro yabang at paninindak na lang lumalabas sa bibig niya? Pero siya din naman yung pinaka-walang naititulong sa pamilya? Tapos unti-unti nang nagaalisan yung mga tao sa mesa. Yeah, I didn’t even bother watching.”
Ramdam naman ang galit sa mga tweet ni Lauren Young at wala umano siyang pakialam kahit na batikusin o tirahin siya ng mga DDS.
Aniya, “You can call me laos, starlet or pokpok all you want cus of how I tweet my opinions about our government. But he sought after this position – and I don’t agree with whats happening. Sorry if the truth hurts but you can’t deny it especially when its staring right at your face.”
Nagdasal naman si Alex Gonzaga para sa pagkakaisa. Aniya, “Let’s all pray for UNITY. #WeHealAsOne
Sey naman ni Jane Oineza, “We need plans. We need mass testing. We need the breakdown. Not threats.”