Kung mayroon akong gusto sa mga banta ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ito ay ang banta nito sa mga telecommunication companies na mag-imbita ng dayuhan na mamumuhunan sa communication industry.

Tama lang na magka­roon na ng maraming players­ sa industriyang ito para magkaroon naman ng choices ang mga Filipino consumers lalo na sa panahon ngayon na limitado ang players at masyadong ­mahal na, palpak pa ang serbisyo.

Isa ito sa mga negos­yong alam mong nadadaya­ na ang mga consumers­ pero wala silang magawa­ kundi mainis na lang. Ang gobyerno na inaasahan nilang magtatanggol sa kanila ay hindi naman maaasahan.

Saan ka naman naka­kita na regular kang nagbabayad pero ang serbisyo ay limitado at nasa Metro Manila ka nga mahina pa ang signal. Paano na lang ang mga taga-probinsya?

Bukod sa buwanang bayad ay mayroon pang mga dagdag na bayarin tulad ng mga nagpapasukang games na hindi mo alam kung bakit nagkaroon ka nun gayung hindi ka naman nag-subscribe at nagbabayad­ ka sa ayaw at sa gusto mo ng P50 kada linggo o P200 kada buwan.

Kahit magreklamo ka para tanggalin ang bayaring ito eh hindi agad naaaksyunan kaya ang tanong mo tuloy sa sarili ko, kasabwat ba ng mga telcos ang mga game providers?

Malaking bagay ang P200 sa mga ordinaryong tao kaya nakakagigil lang na nagbabayad ka nito sa ayaw at sa gusto mo kahit hindi na naman naglalalaro ng games sa cellphone mo.

Nakakapansin lang din na ang mga telcos kapag hindi na nakabayad sa itinakda nilang araw ay maya’t maya kang tinetext para magbayad ka na pero kapag nag-textback ka naman sa kanila ng reklamo­ mo, iba-block ang numero­….ang galing ano?

Naka-isandaang araw na si Pangulong Duterte sa Malacañang at kung political will lang ang pag-uusapan, isa na siya sa ­Pangulong may political will talaga.

Hindi nga lang nararamdaman pa ang political will ng Pangulo sa problema ng trapiko sa Metro Manila dahil habang patagal nang patagal ay palala nang palala ang problemang ito.

Parating na ang Christmas season kaya ihanda na natin ang sarili natin na mas lalala pa ang problemang ito dahil hindi pa natutuklasan ng mga opisyales ng gobyerno ang solusyon.

Sa Commonwealth ave­nue nga sa Quezon City na pinakamalawak na kalsada sa Metro Manila ay pasikip na nang pasikip na eh, paano pa kaya ang mga maliliit na kalsada.

Mas kalbaryo ang nara­ranasan ngayon ng mga nakatira sa Fairview hanggang Bulacan dahil sa kons­truksyon ng MRT-7 na magtatagal ng tatlo hanggang apat na taon ata.

Kung dati ay problemang matindi na ang trapiko sa lugar na ito ngayon­ ay lumala ng ilang beses­ dahil sa MRT-7 construction na para bang hindi­ napaghandaan ng local government.

(dpa_btagui­nod@yahoo.com)

2 Responses

  1. wag ka, liblib man dito sa amin pero malakas ang signal at sulit pa rin kahit papano paggamit ko ng pocket wifi, unlike pag nagagawi ako sa city na mahina ang signal