Banta sa drug lords, drama lang ni Bato

ronald-dela-rosa

Dinepensahan ng dala­wang opisyal ng Malacañang ang pahaya­g ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa  na humihikayat sa mga drug addicts na patayin at sunugin ang bahay ng mga drug lords.

“Hindi siya nagti-threaten, drama lang iyon. Alam mo naman ang mga Pilipino, kung walang gulpe de gulat, hindi naman tayo … gulpe de gulat lang iyon,” paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo nang hingan ng reaksyon ng mga mamamahayag sa Malacañang patungkol sa kontrobersyal na pahayag ng PNP chief laban sa mga drug lords.

Wala rin ayon sa Palace­ official na anumang ­legal implications sa binitiwang paha­yag ni Dela­ Rosa mali­ban na lamang kung siya mismo ang gagawa sa kanyang sinabi.­

“You may have the worst of intentions, of criminal intent, if you do not do that, there is no crime,” dagdag ni Panelo.

Para naman kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang binitiwang pahayag ni Dela Rosa ay maikukunsiderang salita lamang o “heads up” sa panahon ng krisis.