Kailangang magpaliwanag ang China kung may katotohanan ang banta ni President Xi Jinping na gigiyerahin niya ang Pilipinas kapag naghukay ito ng langis sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang iginiit ni Sen. Richard Gordon, chairman ng senate committee on justice and human rights, matapos isiwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes ng gabi na binantaan siya ng presidente ng China na gigiyerahan nila ang Pilipinas kapag naghukay ng langis sa WPS.

“Congress must be clarified by the Chinese Ambassador and by the President of the Philippines to tell us what ­really said,”giit ni Gordon na siya ring chairman ng Philippine Red Cross.

Sinabi pa ng senador na kung totoong nagbanta ang presidente ng China, maaaring idulog ng Pilipinas sa United Nations (UN) ang insidenteng ito.

4 Responses

  1. Di kaya gawa-gawa lang ni Poon yan para palabasing nakausap na nya ang mgaTsikwa tungkol sa WPS case? Alam nyo naman si Digs na sapula’t-saputi. may sayad na at ulyanin pa. Ang isang malaki at makapangyarihan bansa ay hindi basta-basta at hindi nya ilalagay sa alanganin din ang kanilang bansa dahil kukundenahin din sila at magsasabi na lang basta na gigirahin kita.

  2. Hanggat walang ginagawa ang gobyerno na palakasin ang AFP sa lalo medaling panahon, asahan na mag landing ang mga tsekwa. Di na puwede yun pan sariling interest ang dapat gawin ng mga nakaupo.

  3. Kailan lang pinuri ni Duterte si Gordon at tinawag pang future president tapos ganoon ang asal niya sa amo niya. Kung sa bagay, nagpapakita lang na may sariling utak at paninindigan si Gordon. Ang kapintasan lang sa kanya iyong napakadaldal niya pero okay siya.

  4. sus!!! ikaw naman GORDON papaniwala ka dyan kay DUTERTE..alam mo naman mahilig gumawa ng mga PEKE at PANIS na KWENTO yan SAYAD,,,,,,para sabihin sabihin lang ni DUTERTE na MATAPANG sya..at UTUIN naman nya yung mga BUGOK at MANGMANG nyang mga SUPPORTERS,,,Ano kamo????? reklamo kayo sa UN?????baka SIPAIN pa kayo dyan ng mga taga UN,,,,pagkatapos MURAHIN ni SAYAD,,,reklamo kayo!!!! doon kayo magreklamo sa RUSSIA….BWESIT!!!!!