Sineryoso ng isang mambabatas sa Kamara ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara siya ng Martial Law nang mairita ito sa pahayag ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga judges na pinangalanan ng Pangulo na sangkot sa iligal na droga na huwag sumuko kung walang arrest warrant.
“Any statement by an incumbent President threatening that he would declare martial law must be taken seriously as it is alarming. Such pronouncement, although off-the-cuff, is gravely disturbing in the context of two relevant current events,” ani Albay Rep. Edcel Lagman.
Una umanong senyales ay ang pagmamatigas ni Duterte na ipalibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kahit marami ang tumututol.
“Second (senyales), the hegemony of super majorities both in the House and the Senate would facilitate the declaration of martial law and assure its extension,” ayon pa kay Lagman.
Sinabi ng mambabatas na kayang-kayang magdeklara si Duterte ng Martial Law sa laki ng kanyang puwersa sa Kongreso dahil base, aniya, sa batas, jointly voting ang paiiraling sistema ng botohan.
Nakadaan, aniya, ito sa Section 8 ng Article VII ng Saligang Btaas na:… “Within forty-eight hours from the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, the President shall submit a report in person or in writing to the Congress.
The Congress, voting jointly, by a vote of at least a majority of all its members in regular or special session, may revoke such proclamation or suspension, which revocation shall not be set aside by the President”.
Maaari rin umanong palawigin ng Kongreso ang unang 48-oras na pagsasailalim sa martial rule sa bansa sa pamamagitan pa rin ng isang botohan kaya kahit may mga senador na kokontra ay matatalo ang mga ito dahil 252 ang puwersa ng administrasyon sa Kamara.
Kaugnay nito, agad namang dumepensa ang Malacañang.
Sa ipinalabas na statement ni Communications Secretary Martin Andanar, sinabi nito na nagsusulong ng rule of law at judicial independence si Pangulong Duterte. Batid umano nito ang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang Saligang Batas at kinikilala ang separation of powers sa pamahalaan at hurisdiksyon ng Supreme Court.
Ipinunto pa ni Andanar na alam ni Pangulong Duterte ang limitasyon ng kanyang executive powers at ipatupad ito nang hindi nasasagasaan ang Konstitusyon at napapangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan.
sang ayon po ang pangkaraniwang tao sa martial law kung ang number one dahilan ay ang reconstruction ng Pilipinas mula sa pagkawasak dahil sa drugs, dahil sa mga mapagsamantalang taong gobyerno at pagpapayaman lang ng ibang negosyanteng makasarile. at sa mga rebeldeng mapanira.
NAGSALITA NA NAMAN SI TANDANG LAGMAN, SANA NGA MAGMARTIAL LAW AT HULIHIN KA NG LALONG LUMAKI YANG BUNGANGA MO
HINDI NA KAILANGAN NI DUTERTE ANG MARTIAL LAW KASI NASA LIKOD NIYA ANG MGA PINOY,MALIBAN SA KAKAUNTI KRIMINAL
Mas magaling nga ang Batas Militar lalo na .. nakakatulad ni Dut30 ang dating Pangulo na ang layunin ay maisa ayos ang Bansa pagkatapos wasakin ng mag Inang Corazon ,,matitigas ang ulo ng sinasabing biktima ng Marshall Law.. namayagpag ulit sa panahon ni Corazon at nag hirap ng totoo ang sambayanan Pilipino..
Ang mga takot sa Martial Law, yan ung mga taong matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa administrasyon pati na ung mga aktibista! Wala namang masama kung magkaron ng Martial Law kung wala ka namang ginagawang masama at sumusunod ka sa batas. Tska hindi na mauulet ung Mendiola Massacre–kung yan ang dahilan ng kiinakatakutan nilang maibalik… dahil matagal naman nang patay si Ninoy Aquino.. in short, wala nang traydor!