Naalarma si Surigao­ del Norte Rep. Ace Barbers­ na mga kabataa­n na ang ginagamit ng drug syndicates na drug mules kaya paalala ng mambabatas sa mga magulang — bantayan ang kanilang mga anak at payuhan nang mabuti upang hindi­ maging­ biktima.

“It worries me that these syndicates are trying to outwit Philippine authorities by using students as drug mules, deviating from the usual practice of using domestic helpers,” ani Barbers.

Kamakailan ay isang 22-anyos na binata na si Jonjon Villamin ang naaresto sa NAIA matapos mahulihan ng 4.8 kilo ng cocaine, sa datos ng PDEA mula 2011 hanggang 2016 ay 956 minors pa ang naaresto dahil sa pagiging drug mule.

“Time and again, we see in the news how drug rings tried to evade ­arrest by using minors in their affairs. Kaya naman, pinapayuhan natin­ ang mga magulang na tignang mabuti ang galaw ng kanilang mga anak. Bantayan at subaybayan ang mga gawain ng mga ito para maiwasan ang maging biktima ng mga sindikato o madawit sa anumang kriminal na ­aktibidad,” pahayag pa ni Barbers.

Inalarma rin ng kongresista ang mga school administrators na bantayan ang kanilang mga ­estudyante matapos mapag-alamanan na karaniwang umaaligid sa labas ng paaralan ang mga sindikato para mag-recruit.

“Kung meron tayon­g mapansin na kakaiba sa kinikilos ng ating mga estudyante, i-report agad o ipaalam sa magulang. Magtulungan po tayo upang tuluyan nating mapuksa ang problema sa droga,” pagtatapos­ pa ni Barbers.