Bantayan: Mga sakit na puwedeng dumapo ngayong Kapaskuhan

Ngayong Kapaskuhan ay siguradong bundat na naman ang ating tiyan. Ito ay dahil sa kaliwa’t kanang handaan. Kaakibat ng ating kabusugan ang ilang sakit na maaari nating maranasan gaya ng mga sumusunod kaya ibayong control din ang dapat nating gawin.

Impatso – kalimitan itong umaatake kapag sobrang busog o punung-puno ang tiyan.

Heartburn – madadale ka rin nito kung sasabayan ng pag-inom ng alak ang pagkain nang wagas.

Sakit sa atay – masarap kumain at uminom ng alak pero tandaan na mapanganib ito sa atay at maging daan ng paninilaw ng balat at palagiang lagnat.

Diabetes – limitahan ang matatamis dahil maaring maipon ang asukal sa dugo.

Altapresyon – konektado ito sa pagkain ng maaalat, mamantika at matataba.

Heart attack – ang atake sa puso ay kadalasan ding may koneksyon sa altapresyon kaya iwas-iwas din sa mamantika at matataba.