Iniutos ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang muling paglilinis sa mga estero at kanal na nagbara dahil sa mga basura na karamihan ay mula sa mga illegal vendors.
Sinabi ni Estrada na upang maiwasan ang matinding pagbaha sa lungsod ngayong dumadalas ang mga pag-ulan sa bansa, partikular sa Metro Manila dapat na matanggal ang mga nakabarang mga basura.
Sanhi nito pinakilos ni Estrada ang Task Force Manila Cleanup na nagsasagawa ng road clearing operations na isama na rin ang pag-aalis ng mga bara sa mga kanal at estero.
Ayon kay Estrada, karamihan sa mga nalinis na nilang lugar sa Quiapo, Binondo, at Divisoria ay mga barado ang kanal ng mga plastik at pinagbalatan at mga bulok na gulay at prutas, na galing sa mga illegal vendors. Ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit desidido siyang malinis ang lungsod sa mga illegal vendors sa lansangan at bangketa.
Umapela si Erap sa mga residente na magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura.
ITULOY MO LANG MAGANDANG GAWA MO SA MAYNILA MAYOR…HAYAAN MO LANG YUNG MGA KUPALHAR NA BASHER MO…MGA DIMONYO YAN….HAAHAHA
disiplina lang naman sa pagtatapon ng basura para maiwasan ang mga pagbara… nawala na yata ito sa mga pilpino kaya dapat lang ibalik…
Hindi po nawala sa mga pilipino Yang disiplina na yan.. HINDI PA PO NILA NATUTUNAN.. !
ayos…. hahahaha
nagpapasiklab ang estrada,…. kung sabagay maganda yang ginagawa nya ngayon, pero nung nagdaang pamumuno nya panay porma lang at pa facelift ginawa nya…. sige ka Mayor baka masobrahan ka sa banat bigla na lang mapunit mukha mo…. work work naman pag may time okey!