Idineklara ng Malacañang ang Mayo 14, 2018 bilang special non-working day sa buong bansa para mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na makaboto sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataang (SK) elections.

Batay sa Proclamation 479 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, binibigyang-pagkakataon ang mga botante na maka­boto sa ikalawang linggo ng Mayo.
Matatandaang nai­pag­paliban ang Barangay at SK elections na itinakda noong Oktubre 23, 2017.

Ang proklamasyon ay pirmado nitong Martes, Mayo 2, 2018.

Umaasa ang Malacañang na magi­ging maayos at mapayapa ang eleksyon sa Mayo 14 sa pamamagitan ng maayos na paghahanda ng mga awtoridad.