Tulad ng inaasahan, inaprubahan ng House committee on suffrage and electoral reform sa isang upuan lamang ang panukalang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election.
Mahigit isang oras lang ang ginugol ng komite na pinamumunuan ni CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna at agad na inaprubahan House bill 3384 ang pagpapaliban sa Barangay at SK election.
“Hold-over pa rin tayo. Meaning the incumbent barangay officials magpapatuloy sa kanilang tungkulin,” ani Tugna matapos ang pagdinig sa nasabing panukala na kapareho ng tinalakay ngayon sa Senado.
Ayon kay Tugna, agad na iaakyat ang committee report sa plenaryo at sa araw na ito ay aaprubahan para sa ikalawang pagbasa upang sa susunod na linggo ay maipasa na sa ikatlo at huling pagbasa.
Ang eleksyon ay magaganap sana sa Oktubre 2016 o sa susunod na buwan subalit base sa inaprubahang panukala, inurong ito sa Oktubre 2017 at susundan ito sa Mayo 2020.
“There has been no substantial changes, except that after 2017, barangay election will be held on May 2020,” ani Tugna.
Nanghihinayang naman si Caloocan City Rep. Edgar Erice na ipinagpaliban ang SK election gayung pinaghirapan at ginastusan ito ng nakaraang Kongreso.
“Ginastusan at pinaghirapan itong (SK reform law) ipasa noong 16th Congress. Hindi pa nai-implement eh ia-abolish na. Sana sinubukan muna,” ani Erice sa press conference kahapon.
Isang taon pa sa pwesto ang SK officials? Wala naman SK officials na nakaupon ngayon ah?
hahaha yon nga sana e cocomment ko.