Patay ang isang ­barangay chairman nang matagpuan sa loob ng sasak­yan nito na tadtad ng tama ng bala sa katawan kahapon ng madaling-araw sa San Mateo, Rizal.

Hinihinalang sinalvage ang biktima na naki­lalang si Reynaldo ­Jacaban, nasa hustong gulang, barangay chairman, ng no. 736 Zone-80, Paco,­ Maynila.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ni PO2 Rene Louie San Diego, ala-una nang madaling-araw nang makatanggap sila­ ng tawag sa telepono ­mula sa “Eagle Base” na may bangkay ng lalaki­ na natag­puan sa loob ng sasakyan nito na nakaparada sa Abuab St., Brgy. Guitnang­ Bayan-2, ng nabanggit na bayan.