Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa umano’y pagpapakamatay ng isang barangay kagawad sa bayan ng San Jacinto, Masbate kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Oldarico Barrun, 69, na natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanyang kuwarto sa Sitio Anibong, Barangay Interior ng nabatid na bayan na may tama ng shotgun sa kanyang kili-kili.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon ng madiskubre ni Melvin Barrun, 26, anak ng biktima ang wala ng buhay nitong ama sa loob ng kuwarto katabi ang shotgun na umano’y ginamit nito.
Base sa pamilya ng biktima, wala naman umanong dahilan upang magpakamatay ang matandang Barrun kaya isasailalim sa autopsiya ang bangkay nito para mabatid kung may foul play sa insidente.
Adik yan sabi ng mga kampon ko aw-aw-aw