Ipatutupad ang lockdown sa Barangay Mauway, Mandaluyong City sa loob ng dalawang araw matapos umanong tumaas ang bilang ng COVID-19 case dito.

Sa Executive Order No. 16, sasailalim sa lockdown ang lugar simula alas-12:00 ng madaling-araw ng May 11 hanggang alas-11:59 ng gabi ng May 13. Naitala kasi sa nasabing barangay ang pinapakataas na kaso sa lungsod.

Sa ilalim nito, lahat ng mga residente ay pinagbabawalan na umalis sa kanilang mga bahay maliban kung ito ay emergency, lahat din ng mga establisimyento ay sarado at tanging mga awtorisadong sasakyan ang makalabas sa lugar.

Papayagan naman na makapasok sa kanilang trabaho ang mga frontliner at mga essential worker.

Mayroong 70 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay, 23 sa mga ito ang gumaling at 3 naman ang nasawi.