Paiigtingin umano ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya kontra iligal na droga sa mga barangay na mababa ang bilang ng mga sumusukong tulak at user ng iligal na droga.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr/Supt. Dionardo Carlos, sinisilip ngayon ng PNP kung saang aspeto pa sila maaaring magpursige para mapabilis pa ang pagsawata sa operasyon ng iligal ng droga sa bansa.
Kasunod ito ng pagbibigay ng panibagong anim na buwan na palugit na hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad para tapusin ang problema sa iligal na droga.
Sinabi ni Carlos, sinisilip nila ngayon ang mga barangay na may mababang bilang ng mga nagsisukong pusher at user. Isa umanong maaring pakahulugan nito ay mabagal ang pagkilos ng mga opisyal ng barangay, lokal na pamahalaan at maging ng mga pulis na nakatalaga sa mga lugar na kanilang nasasakupan kaya hindi masyadong kabilib bilib ang accomplishments ng mga ito sa nasabing kampanya.
Ang maaring dahilan d’yan ay, una maaring mismong mga opisyal ng barangay ang protektor ng supplier ng droga. Ikalawa, kahit alam ng mga residente na maraming adik sa lugar nila ay natatakot silang magsumbong dahil wala silang tiwala sa mga awtoridad.
Marami ding barangay na hindi masyadong nakikialam sa ‘Oplan Tokhang’ ang kanilang mga kapitan at kagawad pagdating sa droga dahil sila mismo ay natatakot na madamay. Baka pati sila ay nakakatanggap din ng pagbabanta.
Subali’t kung ganito ang kanilang katuwiran at kung inutil sila sa pagpapatupad ng batas at pagtalima sa mandatong ibinigay sa kanila, wala silang karapatang manatili sa pwesto.
***
Nagpahayag ng suporta ang mga club owners at operators sa lungsod Quezon sa kampanya ng QC Anti-Drug Abuse and Advisory Council na pinangangasiwaan ni Vice Mayor Joy Belmonte at sa ‘Oplan Tokhang’ ng pulisya kontra illegal drugs. Kasunod ito ng mahigit dalawang oras na consultative meeting tahasang nagsabi ang mga club owners na kagustuhan nilang isailalim sa random drug test ang mga tauhan gayundin mismo ng mga may-ari ng night club at bars upang masuportahan ang drug free workplace na ipinatutupad ng QC hall.
Sinabi ni Perry Mariano, Presidente ng Association of Clubs, Karaoke, Disco Operators in QC na susunod sila sa anumang patakaran ng city hall at pulis basta’t hindi maaapektuhan ang kanilang mga kostumer at hindi maaapektuhan ang operasyon.
Sa panayam, sinabi naman ni Vice Mayor Belmonte na walang ‘Oplan Tokhang’ sa mga night clubs at bar. Aniya, maaari namang ang mismong management ng mga clubs at bars ay magsagawa din ng drug test sa kanilang mga tauhan pero palagian anyang nakaalalay ang kanyang opisina para magsagawa ng random drug test sa tulong ng Department of Health. Inanunsiyo din ni Belmonte na makaraang kausapin ang mga club at bar owners ay susunod na kausapin ang mga TODA na maraming ulat na may gumagamit ng drugs gayundin ang mga showbiz personalities bilang bahagi ng kampanya na malinis ang QC mula sa iligal na droga.
***
Kinokondena ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) ang pamamaril kay Edilberto Miralles, pangulo ng unyon sa RE taxi sa harap ng opisina ng National Labor Relations Commission ng labor department kahapon.
Ayon kay Leody de Guman, Pangulo ng BMP, nagdududa silang ang may kakayahan at kagustuhan nito ay ang management ng naturang kumpanya. Dati na umano itong may rekord sa marahas na pagbubuwag sa piketlayn ng kanilang mga empleyado. Panawagan nila kay Pangulong Digong na parusahan ang mga kapitalistang mapagsamantala na kasingsahol kung hindi man ay mas masahol pa sa mga negosyante ng iligal na droga.
BRGY POBLACION,NORZAGARAY ,BULACAN…MGA TAUHAN SA BRGY HALL PATI MGA BRGY TANOD MGA ADDICT..ALAM YAN NG KAPITAN JAN?EH MUKANG ADDCIT DIN TONG KAPITAN NG POBLACION,NORZAGARAY,BULACAN?