Patay ang isang barangay official nang barilin habang nasa labas ng kanyang bahay sa Calatrava, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Efraem Gubat, 71, lupon chairman ng Barangay Mina-utok.
Napag-alaman na nilapitan umano ng tatlo hanggang anim na suspek ang biktima at nagpakilalang mga kasapi ng Philippine Army saka nagpanggap na manghihiram ng takure at pagkatapos ay biglang binaril nang malapitan ang biktima.
Sa pahayag ng ilang saksi, tatlong lalaki umano ang lumapit sa biktima habang tatlo ang nagsilbing lookout habang isinasagawa ang krimen.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek upang maresolba ang kaso.