Barangay, SK election nilipat sa Disyembre 2022

comelec-sk-elections

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang batas para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election na gaganapin sana sa susunod na taon.

Orihinal na itinakda ang barangay at SK election sa Mayo 2020 pero sa batas na nilagdaan ng Pangulo ay inilipat ang petsa nito sa Disyembre 5, 2022.

Sa ilalim ng bagong batas, lahat ng nakaupong opisyal ng barangay at SK ay mananatili sa kanilang puwesto hanggang sa Disyembre 2022 ma­liban na lamang kung sila ay mapatalsik o suspindihin.

Ang mga mananalo sa barangay at SK election sa 2022 ay uupo sa kanilang puwesto simula Enero 1, 2023.

Matatandaang sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 2019 ay hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na ipagpaliban ang halalang barangay at SK para mabigyan ng panahon ang mga opisyal nito na matapos ang kanilang mga programa at proyekto. (Prince Golez)