Tatlong kalalakihan kabilang ang isang barangay volunteer ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang mga biktima ay nakilalang sina Arnaldo Dela Cruz y Lozada, 58, Brgy. volunteer ng No. 28 Executive St., Batasan Hills; Renato Montas y Orpiana, 48, binata ng No. 150 Sta. Maria St., Brgy. Holy Spirit; at Roderick Somera y Cabal, 44, may asawa ng No. 69 Doña Yayang St., Brgy. Libis.
Ayon kay PO3 Elario Wanawan, base sa pahayag ng testigong si Lorenzo Mateo, isang BPSO nakarinig na lang umano sila ng putok ng baril habang nagbabantay sa kanilang outpost at nang puntahan ay nasalubong umano nila ang papatakas na riding in tandem at bumulaga ang duguang katawan ng biktima.
Alas-12:30 ng madaling-araw naman nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang salarin si Montas sa tabi ng isang apartelle na matatagpuan sa Riverside St., kanto ng Commonwealth Avenue, Brgy. Commonwealth QC.