Matagal mang nawala sa showbiz ay in good shape pa rin hanggang ngayon si Barbara Milano. Taglay pa rin niya ang kanyang kaseksihan at kagandahan na pinantasya ng mga kalalakihan noong uso pa ang sexy movies.
Ano nga ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon bukod sa napapabalitang tatakbo siya bilang Vice Mayor sa Talavera, Nueva Ecija?
“Ine-i-enjoy lang ang buhay, life is so short kaya sinasamantala ko ang kasama ko ang family ko,” bungad sa amin ni Barbara nang makapanam namin sa Abante WebTV “Showbiz Pa More Tonite.”
May binago ba sa buhay niya ang politika at anong leksyon ang natutunan niya rito?
“Walang binago ang politika sa akin, kasi ito pa rin ako gaya ng dati. Nalaman ko lang na mas marami kailangan ang taong bayan talaga, like budget sa health, education at hanapbuhay.
“Siguro, yayaman ang bawat isa at uunlad kung naaayon at napupunta sa tama ang pera ng bayan,” lahad pa niya.
Aminado ang dating aktres na nami-miss niya ang showbiz. Very vocal din siya sa pagsasabing gusto niya itong balikan.
Sinabi ng aktres na mayroon siyang isang anak na nagdadalaga na.
Sinabi rin niya na loveless siya hanggang ngayon.
“Zero lovelife ko. Wala nanliligaw kasi… ewan ko kung bakit. Walang nagpaparamdam.”
Hindi na ba nagpaparamdam ang dating may pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa kaniya? Wala na ba silang komunikasyon pagkatapos siyang maugnay dito?
“Yung tungkol naman kay… binata pa rin siya hanggang ngayon. Basta binata pa rin siya,” matipid niyang sagot na ayaw nang magdetalye at pag-usapan ang nasabing opisyal.
Tutukan ang kabuuan ng interview ni Barbara sa “Showbiz Pa More Tonite” sa sa Abante Tonite Facebook page, Abante TNT website at Abante Tonite Youtube channel.