Barbero, pagtatanim kinarer nina Zanjoe, Gabby, Angel

Inabutan si Gabby Concepcion ng lockdown sa kanyang farm and beach house sa Lobo, Batangas .Makikitang nag-harvest ito ng saging sa kanyang farm.

Nagi-enjoy rin sa pagga-gardening ang ibang artista sa kanilang sariling backyard tulad nina Liz Uy, Teresa Loyzaga, Marjorie Barretto, Mylene Dizon, Glaiza de Castro, Neri Naig, David Semerad, Andi Eigenmann at Coco Martin .

Bukod sa pagtatanim ng mga gulay at fruit bearing trees ang iba namang celebrities ay natutong maging barbero sa gitna ng enhanced community quarantine . Naggupit ng buhok sina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zanjoe Marudo at maging ang young actress na si Althea Ablan.

Kiray hopia sa BF

Tiyak na magiging espesyal ang darating na ika-25th birthday ni Kiray Celis sa July 29 . Ise-celebrate niya ito kasama ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Kitang-kita na todo ang pagmamahalan nilang dalawa.

Nakaranas na rin si Kiray ng heartbreak in her past relationships kaya umaasa siya na sana’y si Stephan na ang `the one’ para sa kanya.

Regine may quarantine baby

Maituturing na `quarantine baby’ ang bagong silang na anak ni Regine Tolentino sa kanyang bagong partner na si Dondi Narciso.

Isinilang ni Regine ang pangatlo niyang supling na si Rosie Rignee nu’ng nakaraang March 17.