Barbero, salon puwede na sa Hunyo 7-DTI

Pinapayagan na ang pagbubukas ng 35,000 bilang ng mga barber shop at salon sa Hunyo 7 sa mga lugar na sakop ng general community quarantine (GCQ) subalit gupit lang puwede at 30 porsiyento lang ng operasyon, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang balik operasyon ng mga barber shop at salon sa GCQ na lugar basta’t sumunod sa mga healty protocol standard.

“Earlier opening was reconsidered in recognition of the very strict health protocol that was developed and to be adopted before they can be allowed to operate, to prevent any risk of COVID-19 transmission,” sabi ni Lopez.

Sa balik operasyon ng mga salon at barber shops nasa 400,000 manggagawa ang makakabalik din sa trabaho.

“There will be no need for accreditation to remove any bureaucracy in opening, but there will operations audit to be done, and non compliant shops will be closed down until they correct the deficiencies,” dagdag pa ni Lopez.

Ang mga hindi susunod sa guidelines ipasasara ng DTI.

Ang SPA, waxing service, manicure, pedicure, massage, threading ay ipinagbabawal pa rin dahil sa mahabang oras ng physical contact.

“Less contact the better,” sabi ni Lopez. “Wala na muna ang iba. ‘Yung basic lang at mabilisan,” dagdag pa nito. (Juliet de Loza-Cudia)