TUNAY na may ‘K’ si Kiko Estrada.
Tamang-tama ang kanyang height. Hindi nakakaumay ang kagwapuhan. Sakto ang katawang panromansa.
Mahusay pang humalik, maski itanong ninyo kay Rhian Ramos na leading lady niya sa Sinungaling Mong Puso.
May paninindigan. Marunong humindi kung kinakailangan. Higit sa lahat, marunong umarte.
Masayang ikinuwento ni Kiko ang eksena nila ni Joko Diaz (tiyuhin niya sa tunay na buhay) sa telefantasyang Mulawin vs Ravena.
Lahad ni Kiko, “Sasabihin ko sa kanya, ‘Wag mo akong tawaging anak! Hindi porke kabit ka ng ina ko, ama na kita.’ Hindi ba, intense ‘yung linya? Hahaha!”

Patuloy nito, “Manong ang tawag ko sa kanya. Kasi, nu’ng buhay pa si Lolo Paquito, ako ang unang apo.
“So, ako ang parang bunso nina Manong Joko. Sobrang close kami kaya parang second dad ko rin si Manong Joko.”
May mga eksena rin sila ni Angelu de Leon.
Kuwento ni Kiko, “Nakilala ko lang po si Nicole (anak ni Angelu kay Joko) sa wake ng lolo ko. Malalaki na kami.
“Namatay si Lolo noong 2011. Sobrang ganda ni Nicole. Parang si Pocahontas.
“Kilay lang yata ang nakuha kay Manong. Ang ganda ng kulay niya.”
Dahil tunay na gwaping ang anak ni Gary Estrada, hindi pwedeng hindi maurirat ang estado ng romansa sa kanyang buhay.

Mapait ang ngiti ni Kiko sabay amin na, “Wala po, zero ang lovelife ko. After Barbie Forteza, wala nang na-link sa akin. Matindi ako magmahal pero si Barbie ang huli.”
Hindi pa sila nag-uusap ni Forteza matapos maghiwalay ang kanilang de kolor at puti.
Pagtatapat ni Estrada, “Ayaw niya ako kausapin up to now. Hindi ko nga po alam kung bakit ayaw niya eh wala naman akong ginawang masama nu’ng we were still together.
“Ayoko na lang magsalita kasi hahaba lang ang issue. But I respect her decision.
“Hindi ko naman siya iniiwasan,” dagdag chika ni Kiko.
“Gusto ko siyang makita at makausap. Pero if the situation of meeting her face to face doesn’t present itself, hindi ko naman siya hahanapin.
“Okay lang naman ako. I’m a big boy, I’ll get by.”
Sa pagkakatanda ni Estrada, short and sweet ang relasyon nila ni Forteza.
“Naging official kami. Mga three months,” sabi ni Kiko.
“After Amboy, naging kami. We celebrated her birthday. We went to Tagaytay. Naging kami talaga.”
May lungkot bigla sa kanyang mata pagkasabi nito na, “Siya ang nakipag-break. Wala raw akong oras sa kanya.
“Busy naman kami pareho. I thought she would understand the situation.
“Sa akin, kahit wala akong time, may trabaho ako. I won an award pa for my work. ‘Yun ang patunay ko.
“Pero of course, I can’t tell a girl to wait for me. Pangit naman iyon. She decided na break na kami.”
Gusto niya ba na maging friends sila ni Barbie?
Mabilis na tugon ng binata, “Hindi naman kami nag-away. Sabi ko, open ako sa friendship sa kanya.
“Huwag muna ibalik ‘yung dati. I am happy for her. Tingin ko kasi, iniisip niya na mayroon akong ibang babae. Wala talaga.”