COME awards time, ang Jerrold Tarog’s BLISS eh lalaban, technical man o sa acting department.

Rated R-18 without cuts ito kaya sugod sa mga sinehan come May 10 lalo na’t limited number of cinemas lamang ang maibibigay rito.

On second viewing, nakakapagod pa rin siya. Hindi na mas nakakatuliro pero mas umigting ang paghanga ko sa dedikasyon at tapang ng mga taong bahagi nito.

Kwelang-kwela ang mga hirit ni Iza Calzado na “pa-virgin” pati na ‘yung very pam-beauty queen niyang sagot sa Q and A.

Nakakatuwa na binigyang importansya si Star Orjaliza sa press conference.

Kahambal-hambal ang kanyang karakter sa pelikula.

Missed so much si Ms. Shamaine Buencamino, pati na rin si Stephanie Sol, at si Ian Veneracion.

Ano ba ang pinagkaka-busy-han ni Sol at wala siya sa mga press payanig?

Small but impactful pa naman ang kanyang role.

Natutulog na naman na sa pansitan ang mga taga-GMA Artist Center?

Pangalawang major press event na ito para sa Bliss, bakit kaya wala pa rin ang presensya ni Ve­neracion?

Kung ang kasama niyang si Calzado ay pinapayagang umalis sa set ng A Love To Last, bakit kaya siya, hindi pwede?

Career defining pa naman ang karakter niya.

Si TJ Trinidad, inamin sa diva that you love na adlib niya ang linyang, “I love the way you say kantot, it is so hot.”

Poker face siyang big­la at ayaw pag-usapan ang tungkol sa pagkakatanggal niya unceremoniously sa drama kung saan kasama niya sina Veneracion at Calzado.

“Kilig” ang reaction niya sa observation that sila ni Iza, they bring out the best of each other, acting wise.

Panalo rin na ang peg na ginamit para sa karakter ni Audie Gemora ay baklang parlorista na mala-Joel Lamangan.

Kailan pa naging parlor queen si Direk Joel?

After Antoinette Jadaone, si Direk Jerrold Tarog na ang may grown up wish, na makatrabaho si Barbie Forteza sa isang pelikula.

Bet niya ring makatrabaho si Therese Malvar.

Barbie, ikaw na talaga.

Ang new vanguards of Philippine cinema, nanalig sa kakayahan mo bilang aktres.

Mabuhay ka, neng!

One Response