Lalong tumitindi ang mga espekulasyon na may hindi pagkakaunawaan si Barbie Imperial at ang dati niyang “Araw Gabi” partner na si JM de Guzman.
Mas pinagtibay pa ito nang sagutin ni JM ang isang basher na umano’y ginagamit lamang ang batang aktres.
May mga nag-react din sa cryptic posts ni Barbie at ng kanyang mom na umano’y patama kay JM.
May naalarma ring mga JuanBie fan na umano’y dinelete na ni Barbie ang ilan sa mga photos nila ni JM sa kanyang social media account.
Wala na umano ang picture tungkol sa diumano’y sorpresa ng actor sa dating katambal.
May mga fan naman na hopia pa rin na maaayos nang dalawa ang kanilang gusot.
Nagmula umano ang sigalot dahil sa akusasyon ng ilan na ipinagpalit na ng aktor si Barbie sa “Kung Paano Siya Nawala” star na si Rhian Ramos.