Barbie Forteza at Jak  Roberto
Barbie Forteza at Jak Roberto

SINA Barbie Forteza at Jak Roberto na ba?

O “nabingi” lang kami sa dialogue sa amin ng nanay ng young actress na si Mommy Amy sa birthday party namin noong Huwebes nang gabi sa Jet 7 Bistro sa Timog Ave., Quezon City?

Habang magkakatabi kasi kami, kasama pati ang tatay ni Barbie, biniro namin si Mommy Amy kung sina Barbie at Jak na ba.

Sagot sa amin ni Mommy Amy, “Hindi ba noon pa ninyo ako tinatanong kung sino na ba pero hindi talaga ako sumasagot. Ngayon, alam n’yo na…”

Nagulat kami sa dialogue na ‘yon ni Mommy Amy.

Hindi na kami nangulit pa at “reading between the lines” ay lumalabas na sina Barbie at Jak na, huh!

Bumigay si Barbie sa yummylicious abs ni Jak?!

Noong nasa taping kami ng Meant To Be, akala pa naman namin ay “walang pagnanasa” si Jak kay Barbie, pero parang sila na pala talaga, huh!

Siguro, kaya ganoon lang si Jak ay dahil “secure” na siya sa puso ni Barbie, kaya hindi na siya kailangan pang makipag-“compete” nina Ivan Dorschner, Addy Raj at Ken Chan, ‘noh?!

Kung si Jak na ang boyfriend ni Barbie, type na rin namin dahil mabait at magalang ang binata.

Minsan, naikuwento pa namin kay Barbie na dahil hindi kami aware na magkapatid sina Jak at Sanya Lopez, nang magkita kami minsan ng binata sa Starbucks Imperial Palace sa Tomas Morato Ave. at banggitin nito sa amin na galing ito sa pictorial at kasama si Sanya, muntik pa naming tanungin kung there’s something between them.

Buti na lang at nalinaw ni Jak sa amin na magkapatid sila, huh!

Tawa nang tawa si Barbie dahil pati pala siya, noong magkakasama sila sa isang show, nag-isip din siya dahil sabay na dumating sa taping sina Jak at Sanya at lulan ang mga ito ng iisang sasakyan.

Later on na lang nalaman ni Barbie na magkapatid sina Jak at Sanya.

***

Naloka ako sa comment ng editor naming si Jerry Olea during our birthday party, huh?!

Pagpasok kasi ni Jerry at ng iba pang entertainment press sa Jet 7 Bistro, si Donita Rose ang nabungaran nila.

Sabi talaga ni Jerry, “At least, bati na kayo!”
Natawa talaga ako!

Eh hindi ba at nagtampo sa amin si Donita nang isulat namin na ang taba niya at mabuti na lang at hindi na kami nag-aartista, or else baka “maagawan” pa niya kami ng role!

After na magka-“problem” kami ni Donita dahil doon, OK na rin kami at na-gets niya ang punto namin na nanghihinayang lang kami for her kung patuloy siyang tataba, kaya ngayon, aba, ang laki na ng ipinayat niya at halos bumalik na siya sa vital stats niya noong dalaga pa lang siya!

Nang makita siya ni Ka Alfie Lorenzo sa party namin, mismong ang veteran entertainment columnist ang nagsabing parang hindi tumatanda si Donita at mukhang bata pa rin ang mukha, huh!

Mabuti na lang at pumayat na nga si Donita, or else, “nakatikim” din sana siya ng pamumuna mula kay Kay Alfie!

Speaking of Ka Alfie, masaya ang majority ng showbiz people sa pagbabati nila ni Mother Lily sa party namin!

Nag-effort si Mother Lily na lumapit kay Ka Alfie.

Si Ka Alfie naman, tinanggap ang gesture na ‘yon ng Regal Entertainment producer, kaya happy na uli sila at friends na naman, ‘noh?!

‘Katuwa na noong magkaka-table kami, inabutan pa ni Ka Alfie ng dala niyang mamon si Mother Lily, na tinanggap at kinain ng Our Mighty Yaya producer!

Sabi ni Manay Lolit Solis nang makatsikahan namin siya kahapon, sobrang happy siya na bati na sina Ka Alfie at Mother Lily.

Marami kasi ang nag-akalang hindi na maayos ang gusot sa pagitan ng dalawa, huh!