Barbie, excited sa face-to-face with Kris

Barbie Forteza

KAHIT maraming na­ngangamba sa relasyon nila ni Kiko Estrada, mukhang hindi sine­seryoso ni Barbie Forteza ang mga warning sa kanya tungkol sa binatang anak ni Gary Estrada.

Panay lang ang bu­ngisngis ni Barbie kapag ang tungkol sa relasyon nila ni Kiko ang pinag-uusapan.

“Parang wala na rin naman pong derektang kailangang aminin. Hahaha!” bungisngis na naman ni Barbie nang makausap namin siya habang nagme-make-up para sa presscon ng first anniversary ng Sunday PINASaya.

Pero kapag si Kiko ang topic ng usapan, palaging masaya si Barbie!

Eh pati naman pa­rents ni Barbie, mukhang hindi kinakabahan kay Kiko dahil palagi nilang sinasabi na kilala nila ang kanilang anak at mapagkakatiwalaan ito.

Tungkol sa partisipasyon niya sa Sunday PINASaya, may tsika kasing lilipat na si Kris Aquino sa GMA 7 at ima-manage na ito ng APT Entertainment na nagpoprodyus ng nasabing show para sa Kapuso network.

Totoo bang natatakot siya dahil ginagaya niya sa show ang tinaguriang Queen of All Media?
“Hindi naman po. Excited nga po ako na ma-meet si Miss Kris kung totoo pong magi­ging Kapuso na siya.

“Saka bakit naman po ako matatakot, eh, hindi ko naman po siya binabastos kapag ginagaya ko siya?

“Hindi ko naman po ginagaya si Miss Kris to insult her. Wala pong ganoong intention sa ginagawa ko sa Sunday PINASaya. Gusto lang po naming magpasaya sa show.

“Saka kahit na po maging Kapuso si Miss Kris, itutuloy ko pa rin po ‘yung panggagaya ko sa kanya at titigil lang po siguro ako kapag mga taga-Sunday PINASaya na ang nagpatigil sa akin.

“Eh sa ngayon naman po, wala naman silang sinasabing kahit na ano,” sabi ni Barbie.

Dagdag ni Barbie, kaya ginagaya niya si Kris ay dahil isa na itong icon.
“Saka ‘di po ba ang highest form of fla­terty is ‘yung imitation?!” balik-tanong sa amin ni Barbie.

Wala ring naririnig si Barbie na negative reaction from Kris sa ginagawa niya sa Sunday PINASaya.

Aminado si Barbie na masyado siyang masaya na parte siya ng Sunday PINASaya, kaya ang wish niya ay bumilang pa ng maraming taon ang kanilang show.

***

Hindi ikinakaila ni Judy Ann Santos na after niyang manganak sa bunso nila na si Luna ng mister na si Ryan Agoncillo, na medyo nahihirapan siyang magpapayat.

Noong ipanganak kasi ni Juday si Lucho, marami ang nakapansin na mas mabilis pumayat ang aktres.

According to Juday, magpapapayat na rin siya, pero unti-unti raw niyang gagawin ‘yon at ayaw niyang parang nape-pressure siya na makapagbawas ng timbang.

Slowly but surely ang pagpapapayat ngayon ng misis ni Ryan.

At pagkatapos ng Cinemalaya movie niya na Kusina, gagawa lang ng bagong proyekto ang aktres kapag payat na siya.

Napatunayan ni Juday na kaya niyang magpapayat, kaya naniniwala ang fans ng aktres na magagawa niya uli ‘yon.

Eh, noon nga, kahit luto siya nang luto ng pagkain, nagawa pa rin niyang pumayat, huh!