Dalawang filmmakers ang nakadaupang palad at nakakwentuhan ng diva that you love, kasama sina kumareng mabini at Tsinita Doll. Sina young direk (YD) at si seasoned direk (SD).
Si YD habang kami ay may halo-halo fiesta, bumunghalit ba, “Maganda pala ang ratings at word of mouth sa ‘Inday Will Always Love You’ ha. Ang galing-galing at nakakatuwa si Barbie Forteza.”
Kaming mga magkakaibigan ay pawang humahanga kay Forteza pero aamin ako, ni isang episode ng bago niyang comedy-drama primetime serye, ni hindi ko pa napapanood.
Si YD tumili, “Naku, Diva hindi pwede iyan. Bakit di mo pinapanood, andun pa naman si Derrick Monasterio saka yung bf ni Menggay. In fairness kay Juancho Trivino, masarap rin siya. Hahaha.”
Si YD ha, humaharot kay Juancho. Bakit mo siya type? Sagot agad ang hitad, “I like his big, rounded brown eyes. Saka full lips eh. Yung ang weakness ko. Eh ikaw bakit di mo type si Derrick? Choosy ka, ning?”
Ang reak ko kay YD, “Magagalit si Ivan Dorschner!”
Dito na humirit si kumareng mabini, “Naku, YD. Hindi niya talaga makakalimutan si Ivan. Piping saksi ako nung GMA 7 Christmas party, grabe ang yakapan nila nun. Mahigpit na mahigpit, ang mga katawan nila, magkadikit na magkadikit. At matapos magyakapan, magkahawak kamay na nag-uusap.” In full Jaclyn Jose monotone ang aria niya, huh!
Para kay YD, “Si Barbie talaga ang pinakamahusay na aktres sa kanyang mga ka-age range. Nanghihinayang nga ako na flop ang last two movies niya, yung sa kanila ni Derrick at yung kay Ken Chan. Sure ako na kaya yung sa kanila ni Ken hindi kumita…
Patuloy niyang aria, “Lahat ng aktres na nakakasama ni Ate Guy sa pelikula, kinakabog nito, maski itanong pa natin kay Ate Vi. Eh itong si Barbie natin sa ‘Tuos’, hindi ba, sumabay sa superstar at siya ang kumabog!”
Ang ultimate wish ni YD eh magka-box office hit movie na si Barbie Forteza para mabura ang impresyon at persepsyon na oo, mahusay nga siyang aktres pero Flopsina Princess naman.
Max walang hype
Si Seasoned Direk naman, kasama naming nag-dinner sa isang Vietnamese restaurant. Pangalawang beses na niyang pinapanood ang Citizen Jake, ‘yung screening na pang-alas-kuwatro, kung saan siya galing, he happily reported, Sold out! At nagpalakpakan kaming lahat matapos ang screening. Ang sarap sa pakiramdam!”
Maraming mahuhusay na aktor at aktres sa pelikula pero para kay SD, ang stand out ay si, “Max Collins. Ang galing pala niya. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala siya. Hindi lang siya maganda. I think, Mike de Leon found his new Hilda Koronel.”
O, hindi ba naman, si Collins ang Millennial La Koronel, what an honor indeed.
May pagtataka rin si SD kung bakit ang Kamuning network kung saan si Collins ay one of its stable stars, wala man lang hype o pushing sa katotohanang Max is a Mike de Leon muse. (Hindi lang GMA Artists ang may hawak sa kanya katuwang ang PPL. Pero nu’ng December pina-presscon siya ng PPL para diyan-ED).
Aria ni SD, “Kung sa ABS-CBN nangyari na one of their actresses eh napili na makasali sa isang pelikula ni Mike de Leon, na comeback film pa of a film master, they are going to make it a big deal kasi big deal naman talaga. Agad, may sariling pa-presscon ang kung sino mang aktres to talk about her Mike de Leon experience. We are talking about Mike here.
Hindi ba pumasa ka sa pihikang panlasa ni De Leon, panalong-panalo na. How much more na ikaw ang leading lady ni Atom Araullo.
***
Rich Asuncion ikinasal sa Hongkong
Kinasal na pala sa Hong Kong sina Rich Asuncion at Ben Mudie. Ang mga witnesses sa kasal ay sina Sunshine Cruz at Renz Fernandez.
Of the right age na ang dalawa at bongga naman na they were able to keep private the most important date of their lives. Ngayon husband and wife na sila, nawa’y mag-go forth and multiply na sila, agad-agad.