Barbie, in-unfollow ni Andre

NAGULAT at nagtaka si Barbie Forteza kung bakit siya IN-UNFOLLOW sa Twitter ng ka-loveteam niyang si Andre Paras.

Actually, nu’ng Sabado lang ito nakumpirma ni Barbie nang i-check niya kung totoo ‘yung tsika ng fans na hindi na siya pina-follow ni Andre sa Twitter (hindi namin sure kung pati sa Instagram).

Nu’ng i-check niya ay hindi na nga siya pina-follow ni Andre dahil wala na ‘yung nakalagay sa profile nito na ‘Follows You’ (na ibig sabihin ay follower niya ito).

Hirit namin kay Barbie, baka naman na-hurt si Andre nu’ng magkadyowa siya (na ang tinutukoy namin ay si Kiko Estrada).

“Bakit, wala ba siyang dyowa?” mabilis na buwelta sa amin ng Kapuso star, tapos ay napatili ito at natawa.

Ah, meron bang dyowa si Andre?!

“Hindi ko alam, I don’t know. I don’t wanna talk about it. I don’t know,” dayalog ni Barbie, na biglang nag-Kris Aquino voice at parang sinapian ng TV host na ini-impersonate niya sa ‘Star Buzz’ segment ng Sunday PINASaya.

Sey ng petite na dalaga na kaka-19 years old lang nu’ng July 31, huli silang nagkita ni Andre sa guesting nila sa Bubble Gang last Monday at okey silang dalawa.

Nag-guest pa ito sa SPS nu’ng birthday niya, so wala silang problema at all.

Eh, bakit siya in-unfollow ni Andre?

“Ewan ko. Nagulat lang ako.”

Ani Barbie, hindi porke in-unfollow siya ni Andre ay ia-unfollow na rin niya ito. Hindi raw siya ganu’n.

Wala ba siyang naiisip na dahilan para gawin ‘yon sa kanya ni Andre?

“Wala naman. Kasi, talagang okey kami nu’ng Monday, eh!”

Sure si Barbie na pina-follow siya ni Andre nu’ng panahon ng The Half Sisters at That’s My Amboy.

Sagot namin sa kanya, dapat lang dahil ang sagwa naman kung magka-loveteam sila, tapos ay hindi nila pina-follow ang isa’t isa sa social media.

“Ewan ko sa kanya kung anong issue niya sa akin,” pakli ng dalaga, na bida sa Cine­malaya 2016 entry na Tuos.

May gagawin silang bagong show sa GMA na si Andre pa rin ang partner ni Barbie.

Wala raw kaso ‘yon, basta siya ay professional lagi pagdating sa trabaho.