Barbie, Jm binitin si Ara

By Ronaline Avecilla

Kamakailan ay umamin ang aktres na si Barbie Imperial sa naging estado ng relasyon nila ni JM De Guzman. Bagama’t ‘di magkaayos ang dalawa ay umaasa pa rin ang mga JuanBie Fan na magkakabati ang kanilang iniidolo.

Bago pa man ang kanilang ‘di pagkakaunawaan ay naka-set ang JuanBie sa proyekto kasama si Ara Mina. Ihahain sana ito ni Ara sa isang production.

Aware naman si Ara sa nangyayari sa dalawa. Wala naman umano siyang kinakampihan suba­lit aminado siya na mas malapit siya kay Barbie.

Hindi sigurado si Ara sa kahihinatnan ng proyektong pinaplano nilang tatlo lalo na at kamakailan ay mukhang hindi na sigurado si Barbie kung gagawin niya pa ito.

Ani Ara sa Roldan Castro YouTube channel, “Ako rin nag-aalangan kasi paano na magpi-pitch ng story, tapos kung ready na at na-approve na ‘yung story, hindi naman sila okay, so sabi ko paano kaya ‘yun? So naka-pending ‘yung project.”

Nakausap umano niya si Barbie dalawang buwan ang nakakaraan at okay naman umano ito para sa proyektong gagawin nila, pero hindi siya sigurado kung ano ang sagot ni JM dito.

Dagdag pa niya, “Actually, nanghihinayang ako sa kanila kasi ‘yung crowd at love team na na-create nila hindi rin basta-basta. Ang dami nilang fans na until now ay kinukulit pa rin ako na matuloy ‘yung project kasi sayang eh dahil hindi lahat ng love team ay nakakabuo ng ganoong kalaking fans, so I hope someday maging maayos sila,” saad pa niya.

Anyway, showing na ngayon ang pelikula ni Ara na “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.” Kasama rin sa pelikula sina John Estrada, Martin Escudero, Yayo Aguila, Mon Confiado, at Juan Miguel Soriano. Ito ay sa direksyon ni Ceasar Soriano.