Barbie, ‘kinumpirma’ ang relasyon kay Jak

barbie-forteza-lanterKILIG-KILIGAN ang JakBie fans sa sky lantern na pina­lipad ni Barbie ­Forteza sa Shine Festival sa Amerika.

Pinost iyon ng Kapuso young actress sa Instagram, at nakasulat sa lantern, “Monay at Pandesal Sana Magtagal.”

Ang Monay ay si ­Barbie, at siyempre pa ang Pandesal ay si Jak Roberto na bongga ang abs.

Hangga’t maaari ay ayaw magsalita nina Jak at Barbie sa kanilang relasyon.

Hindi kasi si Jak ang leading man ni Barbie sa Regal ­movie nito kundi si Ken Chan.

Mark Neumann Kapamilya na!

NAPATILI si Pinipig de Manila nang mapanood si Mark Neumann sa ASAP noong Linggo.
Ang dating Kilig Prince ng TV5, Kapamilya na!

Tsalap-tsalap pa rin ang dating ng pogilicious na si Mark, na nasa cast na ng fantaseryeng La Luna Sangre.