P20 na lang ang CD ni Barbie Forteza sa record bars.
MUMUR as in mumurahin!
Parang hindi tanggap ng mga tao si Barbie bilang pinilit lang na recording artist.
Ngayon, magpapaka-romcom lead si Barbie sa bago niyang teleserye na Meant To Be kung saan pag-aagawan siya ng apat na boys – sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto.
Sana, talaga kiligin ang mga tao kay Barbie sa pagpapaka-light sa kabila ng kanyang pagiging subok na bilang magaling na batang aktres lalo na sa drama.
***
PAGKATAPOS nina Anne Curtis at Erwan Heusaff, engaged na rin sina Billy Crawford at Coleen Garcia.
Isa-isa nang lumalagay sa tahimik ang mga taga-Showtime at unti-unti nang nagiging limitado ang mga araw ng paglabas nila sa show.
Magandang mag-train na sila ng second liners para patuloy ang kanilang energetic at dynamic look na patok sa mga bagets.
***
Magkasama sina Regine Velasquez at Lani Misalucha sa pagbubukas ng isang bagong 7-star hotel resort and casino sa Manila.
Bongga ang free concert nila sa soft opening.
Pero umaasa ang fans ng Songbird at Nightingale na sana, sa susunod, back-to-back concert na ang gagawin nilang dalawa, ‘di ba?
Masaya ‘yun!
***
Ipapalabas ang Vince & Kath & James via TFC@theMovies.
December 29 ang screening sa Papua New Guinea, UAE, Qatar, Bahrain & Oman.
December 30 naman ang showing sa US & Saipan.
***
Sabay ang premiere ngayon ng mga pelikulang Saving Sally at Seklusyon.
Walang premiere ang pelikulang Die Beautiful.
Hindi pa rin maka get over ang ilang Noranians sa hindi pagkakaroon ng CEB rating ng pelikula ng idolo nila na Kabisera.
Kasi naman.