Barbie, nagpapagaling pa ang PUSO

Barbie Forteza

KAAGAD na tinapos na nina Barbie Forteza at Andre Paras ang isyung pag-unfollow sa Twitter account dahil hindi raw isyu iyun.

Sabi ni Barbie, nagulat siya nang nagpaliwanag sa kanya si Andre dahil hindi raw kailangan.

“Nagtaka lang ako, pero hindi naman ‘yun isyu sa akin,” pakli ng co-host ng Sunday Pinasaya.

Hindi niya tinanong si Andre tungkol diyan, pero nag-explain ito agad sa kanya.

“Hindi naman niya kailangan mag-explain eh. Kahit ako, ‘yung social media ko, hindi ko siya siniseryoso.

“Nagpu-post ako, nagpu-promote o nag-thank you sa sponsors, ganu’n lang. Syempre, lahat ng tao, makikita ‘yun, ‘di ba?

“Feeling ko, ‘yung sa kanya, hindi naman niya masyadong pini-perso­nal ‘yung ganun,” pahayag ni Barbie.

Agree si Andre na hindi batayan sa friendship nila ni Barbie ang social media.

Hindi lang si Barbie ang in-unfollow ni Andre kundi ang iba pa niyang friends dahil ang gusto lang niyang makita sa Twitter ay mga news na gusto niyang mabasa.

Sa Instagram account ay wala raw siyang in-unfollow, nandu’n pa rin si Barbie at iba pa niyang friends.

Nalungkot lang siya dahil binibigyan agad ng ibang kahulugan.
Ani Andre, “I just feel bad lang, kasi, nami-misinterpret ng mga tao.

“At least, ‘yung sa amin, we understand, friends kami. Iyun nga lang, hindi na nata-translate sa mga tao. Kasi, ‘yun nga, social media.

“It’s my fault na rin, kasi, hindi ko naisip ‘yung kalagayan ng mga fans.”

Magkasama uli sina Barbie at Andre sa Sunday Pinasaya, at okay sila.

Bongga ang pinaghahandaan nilang number para sa anniversary episode nito na mapapanood sa September 4 at 11.

***

Umiiwas si Barbie Forteza na pag-usapan ang personal na isyu niya kagaya ng relasyon nila ni Kiko Estrada.

Parang nadulas siya na sinabing nagpapagaling pa ang puso niya.
Break na ba sina Kiko at Barbie?

Sabi niya, “Lie low muna tayo sa ganyan. Nagpapagaling pa ‘yung heart ko.”
Naintriga kami sa sinabi niya kaya kinulit namin kung sila pa rin ba ni Kiko.

“It’s too personal, pero okay na. I need to be okay,” nakakaintrigang sagot ni Barbie.

Tinanong uli namin kung single na ba siya o committed pa rin kay Kiko.

“Getting there,” nakangiti niyang sagot. “Basta, I see to it na maiba ko talaga ang personal life ko.”